haist... Dami nanamang buhay ang nasawi dahil sa mga gahamang politiko.
Una akong beses na pumunta s Boso-Boso Antipolo, nung 2nd year college. During that time, meron na akong nakikitang mga developers na nagpapatag ng bundok upang gawing memorial parks. Usad p ng konti ang sasakyan, makikita ang mga bundok na may tapyas, gawa ng mga minahan ng marmol at adobe. Abuso na ang bundok ng Rizal. Ilang taon lng ang lumipas, pinapatag naman ang mga bundok para gawing relocation site ng mga pamilyang pinalayas s gilid ng tren at ilog sa boung metro manila.
Hangang kelan kaya magpapatuloy ang ganitong scenario sa aming bayan? Ilang bundok pa ba ang kailangan sirain ng mga gahamang pamunuan ng gobyerno? Sana ito na ang huli. Sinasabi nila malakas ang bagyo kaya nagkarong ng landslide? I think they should also know and understand the balance in our eco system. We are a typhoon prone country, sa aking pagkakaintindi sa aking science class nung elementary ako, ang pangunahing layunin ng mga bundok at bulubundukin at para protektahan ang mga mas mababang lugar laban sa malalakas na bagyo. Bakit sa panahon ngayon, pag malakas na ang ulan, kailangan mo nang lumikas kung sa paanan ka ng bundok nakatira?
Nais ko lamang po sana ipahatid ang aking nadarama sa hagupit na dinanas ng aking mga kababayan sa paligid ng Antipolo.
Please pray for all the victims of our Government!!!
Lunes, Setyembre 28, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento